Wednesday, September 4, 2013

Pusong batong naging mamon

Di pala totoo...
Mali pala ako?
Sa mga bagay na tinanggap
Nang pusong hilam na sa luha.

Ano yong mga awit na iyong sinabing aking pakinggan?
Ano yong mga ginawa mong nagsasabing ako ang iyong hinaharap?
Ano yong sinabi nang palibot natin na tayo ay para sa isa't-isa?
Ano yung sinabi mung... "Ikaw...ikaw..."?

Sana di ko na lang ginawang malambot ang pusong bato,
Pag nagkagayon di ko maramdaman at  mapansin.
Sana naging manhid na lang at isip bata
Ang pusong ngayo'y nasasaktan.

Ang sakit nun, umasa at umasam,
Sa mga bagay na akala koy un na...
Sana di ko na lang ginawang malambot na katulad nang mamon
Ang puso kung bato...sana.

No comments:

Post a Comment