Hilam sa luha
Ang mga matang laging gamit sa paghahanap
Sa pigura o mukha mo pag alam kong nasa lugar ka
Umiiyak ang pusong
sadyang nasaktan sa katotohanang
ika'y di akin ngaun, o bukas man
nang buhay na ito
Sana naman... sana naman
Ito'y mabago ng kapalaran
Dahil di mawari nang isipan
Kung ano ang hinaharap na di ka kasama.
Sana naman makita mong ako'y nararapat
sa pagmamahal ng puso mong nakatuon sa kanya
sana naman... sana naman
ako na lang... wag na siya.
No comments:
Post a Comment